LP # 9: Ihip ng Hangin

Ako ay nagulat nang makita ko na ang aking esposo ay may bagong grupong kinahuhumalingan!  Kung kaya’t napag-pasiyahan ko sumali na rin sa Litratong Pinoy at ito ang aking unang paglahok.  Halina’t silipin ang aking interpretasyon sa tema ng LP na:  IHIP NG HANGIN.  Mga larawan ay kuha sa Corregidor.

Nang makita ko ang punong ito na wala nang dahon, aking inisip, dala ba ng hangin kung bakit halos nakalbo na ang mga sanga nito?  Ngunit hindi lang dahil sa wala nang dahon ang puno kung kaya’t ako ay nabighani at nagpasyang kunan ito ng larawan.  Dahil din sa nag-iisang bulaklak na buong yabang na nananatili na para bang sinasabi nitong: nalampasan ko ang malakas na ihip ng hangin dulot ng malakas na unos.

Kamera:  Pearl River TLR – f/16 at 1/125, Film:  Fuji Provia 100

Ang pag-ihip ng hangin sa dalawang watawat na ito sa Japanese Friendship Memorial ay isang magandang simbulo ng mensahe ng kasaysayan.  Na ang nakaraan ay naririyan para gabayan tayo sa ating pagharap sa ating kinabukasan.  Nakakatuwang isipin na sa kabila ng madugong kasaysayan ng digmaan sa Corregidor, naging simbulo rin ang lugar ng kalayaan batid ng mga watawat sa lugar na ito.

Kamera:  Supersampler, Film:  Kodak Elitechrome ASA 400

Kamera:  Fisheye 2, Film:  Fujicolor 100

 

Sabik na akong mag-Huwebes para sa aking pangalawang paglahok at napipintong opisyal na pagsali sa LP!

 

 

 

 

This entry was posted in My Life and tagged , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to LP # 9: Ihip ng Hangin

  1. Thess says:

    Wow, ang gaganda naman ng compositions mo at iba’t ibang cameras/lenses pa gamit mo…ako naman na e-excite makita susunod mong mga magagandang lahok!

    Hanggang sa susunod na LP!

  2. jcdaclison says:

    @thess: maraming salamat, thess! hanggang sa susunod! 🙂

  3. iris says:

    ganda ng mga kuha mo jerome. pinakagusto ko yung unang litrato. ganda ng kulay 🙂

  4. Meeya says:

    hi jerome, welcome sa LP. 🙂 salamat sa pag-share ng mga litrato, ang ganda nia. at tulad nga ni sinabi ni thess, looking forward akong makita ang iyong mga susunod pang lahok 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s