LP 161: Nakasabit (Hanging)

Isang masayang Sabado sa lahat ng ka-LP! Narito ang aking mga piling larawan na nais kong ibahagi sa linggong ito.

Nakasabit na ilaw.  – Ito ay kuha sa restaurant ng Crown Regency Mactan sa Cebu City. Naaliw ako sa pattern at texture!  At hindi ko alam kung bakit ngunit iba pa rin ang binibigay ng film sa akin bilang photographer.  Ito ay kuha gamit ang aking Vivitar v3000s at Kodak Elitechrome 400 na pina-cross process sa Digiprint.

Batang nakasabit sa puno. – Wala na akong nakikitang ganito ngayon. Mga batang nage-enjoy sa simpleng kasiyahang dulot ng paglalaro sa mga puno. Kuha gamit ang Vivitar v3000s at Kodak Tri-X 400.

“Ano yang nakasabit sa leeg mo?” – Yan ang laging tanong sa akin kapag dala ko ang aking TLR (twin lens reflex) na camera. Ito ay isang Pearl River na TLR na gawa nuong 1950. Nabili ko ito sa isang kulektor at ito ay nakakapag-kuha pa ng mga larawan gamit ang 120 na films. Salamat sa aking kaibigan sa pagkuha ng larawang ito. 🙂

Nakasabit sa Leeg. – Ito ang larawang isinabmit para sa aking finals sa Basic Photography Workshop na aking kinuha. Tinawag ko itong “Analog Warrior”…at yan ang aking mga film cameras. 🙂 Kuha gamit ang aking Nikon D60.

Maligayang LP Sabado sa lahat! 🙂

This entry was posted in My Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s