LP # 13: Pag-aaral (Studying)

Ako ay mananatiling estudyante habang ako ay nabubuhay at ang aking silid-aralan ay ang buhay.  Mananatili akong uhaw sa mga bagong kaalaman at bagong karanasan na makakapagpatibay nang lubusan sa aking pagkatao.

Para sa proyekto ngayong linggong ito ng Litratong Pinoy, minarapat kong balikan ang aking pormal na pag-aaral sa paggamit ng aking kamera na Vivitar v3000s.  (Para sa hindi pa nakakaalam ng kwento kumbakit ako nagkaroon ng camera, i-click nyo ito para sa kwento.)  Ang susunod na tatlong larawan ay ang unang tatlong kuha mula sa unang-unang rolyo ng film na aking ginamit (Kodak Versatile 400).  May isang buwan na rin akong nagbabasa ng iba’t ibang aklat tungkol sa photography at nang napagdesisyunan kong ako ay handa na, sinimulan ko ang pagkuha ng mga larawan.  Natatandaan ko nang kinuhanan ko ang mga larawang ito, hindi ko alam ang konsepto ng light meter at na meron pala ang aking camera.  Gamit ko lang ay ang isang table na may settings na nakalagay sa librong aking nabasa.

Hindi ko rin alam na madumi pala at kailangang linisin ang lens ng aking camera dahil meron nang mga namamahay duon na fungus. Nang napalinis na, sabi ng aking kaibigang litratista:  “Bakit puro bagay ang kinukunan mo?  Dapat meron ding tao.”  Sinunod ko ang kanyang payo at naririto ang kauna-unahang portrait shots ko…kanino pa eh di ang aking esposo:

Ang susunod namang larawan ay ang aking unang sabak sa lomograpiya.  Masyado lang talaga akong nauhaw sa paglikha.

Unang Gamit ng Slide Film (Provia 400), Isinalang sa SLR

Unang Gamit ng Lomo Camera na Action Sampler

Marahil ang isang mensahe sa proyekto ngayong linggong ito ay ang tungkol sa pakikisalamuha.  Na sa simpleng pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, marami tayong matutunan.  Kung kaya’t excited na ako sa EB ng LP dahil alam kong marami akong makikilala at matututunan.

Nawa’y naibigan niyo ang aking lahok ngayong linggong ito.

This entry was posted in My Life. Bookmark the permalink.

24 Responses to LP # 13: Pag-aaral (Studying)

  1. ces says:

    gusto ko rin pag-aralan ang mga iyan kapag may dslr na rin ako:(

  2. Leap of Faith! says:

    Wow, ang ganda naman ng iyong mga litrato. Ang sarap ngang pag-aralan ang photograpiya.

    Maligayang LP!

  3. Thess says:

    wow! sasama ka sa EB? tyak maraming matutuwa kasi madami kang mai se share…nakakaenganyo ang husay mo.

    Maligayang LP!

  4. julie says:

    Aba, ibang konsepto ng pag-aaral. Marami na yata ang nahihilig sa ganitong interes, kagaya ng isang kaibigan ko na may Vivitar din 🙂

    Happy LP!

  5. Rico says:

    Napakaganda! Lalo na yung ikalawang larawan. Tulad ni Ces, balang araw ay pormal ko ring mapag-aaralan ang mga bagay-bagay ukol sa tamang pagkuha ng mga larawan!

  6. betchay says:

    naibigan ko ang iyong mga litrato… ang gaganda!

  7. ang gaganda ng litrato!

    Ang aking LP ay nakapost DITO.

    Sana ay makadaan ka. Salamat!

  8. lidie says:

    ang gaganda naman! madaming nahihikayat ngayon matuto ng photography… sa tingin ko, maliban sa technique, kailangan din talaga ng artistic eye para dito! gaya mo!
    magangdang huwebes sa’yo!

  9. ettey says:

    ang ganda ng mga larawan… parang may static effect hehe!! ^_^

  10. RoseLLe says:

    hay! kay ganda ng iyong pinag-aaralan. ipagpatuloy 😀

  11. teys says:

    ang ganda nilang lahat, may kakaibang dating….

    Salamat sa pagbahagi.

    happy lp!

  12. Dyes says:

    magandang aralin yan! 🙂

  13. iska says:

    magandang mga larawan! ako man ay gustong mag-aral ngunit walang pagkakataon….

  14. linnor says:

    ang gaganda ng style ng mga pics mo. nahihilig din ako sa photography… kulang lang sa oras para magkaroon ng pormal na pag-aaral 🙂

  15. hi bridget! talented ka kapatid! ituloy mo yan 🙂 you have the eye to spot post-worthy photos!

    happy thursday!

  16. jcdaclison says:

    para sa lahat: naku, nakakataba naman ng puso ang mga komento ninyo. maraming salamat!

    @ces: kapatid, kung seryoso ka, magandang mag-aral na gamit muna ang manual para hasang-hasa ka na paglipat mo ng digital. aral na!

    @leap of faith: masarap talaga sya, kapatid! ako, hindi ako “advocate” ng film pero may kakaibang excitement kapag film slr ang ginagamit ko.

    @thess: oo, kapatid. gustong gusto ko sumama. hoy, wag masyadong umasa at kahit malakas ang loob ko, hindi ko pa rin masasabing isa akong eksperto. sharing of experiences lang. hahahahaha

    @julie: naku, dapat makita ko ang kaibigan mong may vivitar. sya ang kauna-unahang nalaman kong merong vivitar. kala ko nagiisa na lang ako sa mundo. syempre, nikon at canon ang mas sikat di ba?

    @rico: aral na! bili ka ng mga libro ukol sa potograpiya sa booksale. hindi kailangang mamahalin. kung madalas ka sa internet, naku, kaydaming site! kaya go na!

    @betchay: maraming salamat, mare!

    @shutterhappyJen: salamat sa pagdalaw, Jen! sige, dadaan ako now na…

    (pagbalik galing kay Jen)

    @lidie: tama ka jan, kapatid. a good balance of technical knowledge and aesthetic presentation is key to a good photograph and what sets your photo apart from a snapshot. (hindi kinaya ang direchong tagalog???? hahahahaha! naku sensya na po. ako ay pilipino)

    @ettey: naku mga dumi talaga yan! nung hindi pa ako masyadong nag-aaral, gandang ganda ako sa mga kuha ko. nung nadagdagan ang kaalaman ko, gudlak talaga. super self-critique ako sa mga photos ko.

    @roselle: at nagpapatuloy talaga, kapatid. salamat!

    @teys: salamat teys! in technical terms, isa lang ang tamang photo jan. o di ba?

    @dyes: syang tunay!

    @iska: naku, mare. kung gusto, may paraan. davah?

    @linnor: ako ganito lang ginawa ko. basa, kuha, record and settings, pa-debelop, i-analyze, ipakita sa iba para sa ibang opinyon, improve the next shoot. go na!

    @strawberrygurl: thanks, gurl! dalaw ako sa yo later…happy thursday!

  17. Surfergirl says:

    ganda ng mga litrato! classic! ako din naniniwala akong lahat tayo ay estudyante ng buhay. we never graduated, we always keep learning!

  18. nakakamangha ang iyong mga larawan! nakakainspire! 🙂

    LP sa Munchkin Mommy
    LP sa Mapped Memories

  19. Pinky says:

    Galing naman ng mga kuha mo! Sana ay maging ganyan din ako kalikhain sa pagkuha ng mga larawan. Lomographer ka rin pala? Narinig ko lang ito kamakailan at mukhang interesante…

    Gandang LP sa iyo!

  20. toni says:

    Bridget, natutuwa ako sa mga litrato mo. Nasubaybayan ko kahit paano ang paghulog ng iyong kalooban sa pagkuha ng mga litrato. Natural na natural ang dating sa iyo ano? Lalo pang gumanda dahil pinag-aaralan mo ito. Ang galing mo Bridget Jones!

  21. Bahchi says:

    Wow naman! Sana ako rin matuto niyan. Kasi ako chambahan lang lagi gamit ang aking reliable digicam 🙂

    Salamat sa komento sa lahok ko ha 🙂

  22. haze says:

    pangarap ko rin magkaroon ng slr. matuto kumuha ng lomo shots.

    haay, onting pagiipon pa at maabot din yan

    ang ganda ng mga kuha mo!

    happy lp sa iyo!

  23. ner says:

    tunay na ang buhay ang siyang paaralan nating lahat.

    ako naman nag-uumpisa pa lang sa potograpiya. marami pa rin akong kelangang matutunan ^^

    maligayang paglilitrato! 🙂

  24. Lizeth says:

    salamat sa mga payo!

    ang gaganda! im sure lalo ka pang gagaling sa pagdaan ng panahon. goodluck!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s